Lakbay-Panitikan : Tuklasin ang Kultura, Panitikan, at Tradisyon ng Mga Lugar sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kultura, kasaysayan, at panitikan na makikita sa iba’t ibang rehiyon nito. Sa paglalakbay sa mga lugar tulad ng Baguio, Vigan, Manila, Pangasinan, Tagaytay, Pampanga, Albay, Palawan, at Bohol, mas naipapakita ang kagandahan at pagkakaiba-iba ng ating bansa. Ang travel blog na ito ay naglalayong tuklasin ang mga natatanging tradisyon, panitikan, at kasaysayan ng bawat lugar. Sa pamamagitan nito, inaasahan kong mas maunawaan at mapahalagahan ang yaman ng kulturang Pilipino. Sa Baguio , matatagpuan ang malamig na klima at kultura ng mga Igorot sa Cordillera Administrative Region. Hindi lamang ito tanawin, kundi sumasalamin din sa tradisyon at sining ng mga katutubo. ''Gusto kong puntahan ang Baguio dahil sa mayamang kultura ng mga katutubong Igorot na makikita sa kanilang sining at pamumuhay. Mahalaga rin ang kasaysayan ng lungsod bilang dating pook pahingahan noong panahon ng mga Amerikano. Sa panitikan, maraming akda at kuwento ang na...
Comments
Post a Comment